SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia
SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila, magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi. Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae. Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig,